GMA Logo Mygz Molino and Mahal
What's on TV

Mygz Molino, babalikan ang mga alaala tungkol kay Mahal sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published October 28, 2021 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

Mygz Molino and Mahal


Ngayong Linggo, ibabahagi ni indie actor Mygz Molino ang kanyang mga alaala tungkol sa yumaong komedyante na si Mahal sa 'The Boobay and Tekla Show '

Sa bisperas ng All Saints' Day, muling babalikan ang magandang buhay ng late comedienne na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay, sa bagong episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (October 31).

Ibabahagi ni indie actor at vlogger na si Mygz Molino, isang matalik na kaibigan ng yumaong komedyante, ang mga huling araw ni Mahal at ang mga plano ng una ngayon na wala na ang kanyang virtual partner.

A post shared by Mygz Molino (@mygz.molino)


Bukod sa aktor, sina Buboy Villar at Mema Squad na binubuo nina Pepita Curtis, Ian Red, at Kitkat, ay magku-kuwento rin ng kanilang memories tungkol kay Mahal na naging ka-trabaho nila sa industriya at kaibigan.

Samantala, sasabak naman sa nakakatuwa at nakakaintriga na segments na “Guilty or Not Guilty” at “May Pa-Presscon” sina Kapuso hunks Luis Hontiveros at Saviour Ramos.

A post shared by Luis Hontiveros (@luishontiveros7)

A post shared by Saviour (@saviourxxramos)

Bilang paggunita ng Halloween season, muling nagbabalik sa TBATS ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) parody segment na tiyak na magbibigay ng saya ng tuwa sa mga manonood.

Isang “expert” naman ang makakasama ng kanilang “team” upang imbestigahan ang kakaibang kaso ng isang patay na lalaki na nanatiling nakabukas ang mga mata.

Handa na ba kayo para sa fresh episode na ito? Kung gano'n, huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong October 31, 10:30 p.m. pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, alamin kung sino nga ba si Mygz Molino sa buhay ni Mahal sa gallery na ito: