
Isang gabing puno ng aktingan, bukingan, kantahan, at tawanan ang handog ng inyong favorite late night habit, The Boobay and Tekla Show, ngayong Linggo (November 28).
Sasabak sa hot seat segment na “May Pa-Presscon” ang “Ultimate Female Survivor” ng StarStruck season four na si Kris Bernal!
Ibabahagi rito ng bagong kasal ang kanyang buhay ngayon bilang asawa ng businessman na si Perry Choi.
Haharapin din ng aktres ang ilan sa mga nakakaintrigang tanong tungkol sa dating screen partner na si Aljur Abrenica at iba pa nitong StarStruck batchmates sa nakatutuwang exotic food challenge na “Sasagutin o Kakainin.”
Ipapakita naman ni Kris ang kanyang angking talento sa aktingan ng comedy at drama sa “Ang Arte Mo” kasama sina Boobay, Tekla, at Mema Squad na binubuo nina Pepita Curtis, Ian Red, Kitkat, at Buboy Villar.
Bago matapos ang masayang Sunday night, papatunayan ng aktres na siya'y triple threat sa kanyang live performance ng isang Whitney Houston classic sa music-themed comedy segment na “Birit Showdown.”
Kaabang-abang 'di ba? Huwag palampasin ang fresh episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong November 28 sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, muling tingnan ang fitspiration looks ni Kris Bernal sa gallery na ito: