GMA Logo John Vic de Guzman and Divine Aucina
What's on TV

John Vic De Guzman at Divine Aucina, sasabak sa 'The Cash' ng 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published December 3, 2021 10:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

UPLB showcases abaca textile, illuminates Christmas tree in festive celebration
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

John Vic de Guzman and Divine Aucina


Kabilang sina Kapuso actor John Vic De Guzman at stage performer na si Divine Aucina na sasabak sa kaabang-abang na “The Cash: Lahat Laban sa Lahat.”

Kakaibang level ng entertainment at comedy ang handog ng inyong favorite late-night habit ngayong Linggo bilang pagsalubong sa nalalapit na holiday season. Dahil diyan, isang special episode ang hatid ng The Boobay and Tekla Show!

Isang nakatutuwang parody ng GMA-7 singing competition, The Clash, ang masusubaybayan ngayong Linggo na hindi dapat palampasin ng mga manonood.

Ang comedy singing contest na ito ay tinawag na “The Cash: Lahat Laban sa Lahat,” kung saan tampok ang anim na vocal talents sa isang masaya at fierce na sing-off para sa pagkakataong manalo ng surprise cash!

Sasabak sa kaabang-abang na “The Cash” ang stage performer at versatile actress na si Divine Aucina at Kapuso actor at star athlete na si John Vic De Guzman.

A post shared by Divine (@divs)

A post shared by John Vic Ortiz De Guzman (@johnvicdeguzman)

Bukod sa kanila, ang dating kiddie singing champion sa TV na si Buboy Villar at comedienne na si Kitkat ay kabilang din sa exciting na laban na ito.

At siyempre, ang mga beteranong komedyante na sina Pepita Curtis at Ian Red ang bubuo sa listahan ng “Cashers.”

Sa “Lavarn Kung Lavarn” round, mamimili ang “Cashers” kung sino ang nais nilang makalaban. Ang mga magwawagi sa tatlong one-on-one matches naman ang mag-a-advance sa final round.

Ang mga boto ng Cashers at TBATS hosts na sina Boobay at Tekla ang magiging basehan para sa itatanghal na “The Cash Ultimate Champion.”

Exciting 'di ba? Huwag palampasin ang special episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:30 p.m. pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, kilalanin sina John Vic De Guzman at Divine Aucina sa galleries na ito: