GMA Logo Kyline Alcantara and Mavy Legaspi
PHOTO COURTESY: mavylegaspi (IG)
What's on TV

Kyline Alcantara says Mavy Legaspi is boyfriend material

By Dianne Mariano
Published January 26, 2022 6:54 PM PHT
Updated March 7, 2023 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara and Mavy Legaspi


Pagbabahagi ni Sparkle actress Kyline Alcantara tungkol kay Kapuso star Mavy Legaspi: “He's taking care of me from a distance.”

Ramdam ang kilig vibes mula kina Sparkle sweethearts Mavy Legaspi at Kyline Alcantara matapos nilang sagutin ang mga nakaiintrigang tanong tungkol sa kanilang dalawa sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo (March 5).

Sa “May Pa-Presscon” segment, tinanong ni The Clash Season 3 first runner-up Jennie Gabriel si Kyline kung boyfriend material ba si Mavy.

“Definitely. Si Mavy, for the past two years, lagi siyang nandyan, sobra as in. Every time na napupunta ako sa rock bottom lagi siyang nandyan. Ilang beses ko siyang sinasabi na parang, 'Lagi siyang nandyan.' Tapos ngayon ko na-realize na parang, 'Ah, kaya pala siya laging nandyan kapag nasa rock bottom ako kasi he's taking care of me from a distance,'” paliwanag ng aktres.

Nang tanungin naman si Mavy kung ano ang pinakagusto niyang katangian ni Kyline, ito raw ay ang tough love ng aktres.

Aniya, “Do'n magaling si Kyline sa tough love niya. Pinu-push ka rin [ng] isang partner mo na… Kasi kami rin magla-love team, so maganda rin 'yung pinu-push ka tapos 'yung sinasabihan ka kung saan ka puwedeng mag-improve. Importante talaga sa akin 'yung real na tao [at] si Kyline 'yon.”

Diretsong tinanong naman ni TBATS host Boobay si Kyline kung mayroong chance ba na maging magkarelasyon sila ng aktor.

Sagot ng Kapuso beauty, “It's for me to know and for you to find out.”

Bukod dito, sumabak din ang dalawang Kapuso stars sa “Kilig Audition” segment at ipinamalas ang kanilang talento sa komedya kasama ang TBATS hosts at Mema Squad na sina Pepita Curtis, Ian Red, KitKat, at Jennie Gabriel.

Balikan ang March 5 episode ng TBATS sa video na ito.

Para sa non-stop tawanan at saya, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NG MAVLINE SA GALLERY NA ITO.