
Isang ultimate vocal showdown na mayroong nakatutuwang twist ang masasaksihan sa The Boobay and Tekla Show, sa darating na Linggo (February 6).
Maglalaban ang The Clash alumni at All-Out Sundays regulars na sina Thea Astley, Jennie Gabriel, at Jessica Villarubin sa isang masayang sing-off, kung saan tampok ang mga kanta nina international singers Adele, Beyonce, at Whitney Houston.
Photo courtesy: theaastley, jessicavillarubin, and jenniegabriel11 (IG)
Matapos ito, ang AOS All-Stars team, na binubuo nina Thea, Jennie, at Jessica, at The Mema Squad na sina Ian Red, Pepita Curtis, at John Vic de Guzman, ay maghaharap sa isang intense battle.
Sa kaabang-abang na paghaharap ng dalawang teams, aawitin nila ang sikat na tracks ng Pinoy rock band na Aegis.
Ipapakita rin nina Boobay at Tekla ngayong Linggo ang tatlong pinaka nakakatawang videos na isinumite ng viewers sa segment na “Pasikatin Natin 'To!”
Exciting 'di ba? Abangan ang bagong episode ng The Boobay and Tekla Show sa darating na Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, muling balikan ang hottest "May Pa-Presscon" episodes ng TBATS noong 2021 dito.