
Isang na namang summer-themed special ang hatid ng inyong favorite late night habit, The Boobay and Tekla Show, dahil masasaksihan ang kaabang-abang na “Beach Hunk 2022.”
Maglalaban para sa titulong ito ang singing flight attendant na si Kenneth Khan, ang part-time model at aspiring K-Pop star na si Ajay Balmores, at ang volleyball player-turned-actor na si Anjo Pertierra.
PHOTO COURTESY: TBATS (show page)
Ang tatlong hunky candidates ay maglalaban sa tatlong rounds: Casual Interview, Talent, at ang Question and Answer.
At siyempre, mayroon pa itong surprise twist! Ang magwawagi sa “Beach Hunk 2022” ay mapagdedesisyonan sa pamamagitan ng “Roleta ng Kapalaran.”
Ang mananalo ay makatatanggap ng beach package na naglalaman ng mga beach sandals, beach towel, beach hat, at beach chair.
Sino kaya sa kanilang tatlo ang mag-uuwi ng titulo?
Tutukan ang bagong episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (April 24) sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, balikan ang hottest “May Pa-Presscon” ng TBATS noong 2021 sa gallery na ito.