GMA Logo Hari ng Tambay 2022
What's on TV

'Hari ng Tambay 2022,' mapapanood sa 'The Boobay and Tekla Show!'

By Dianne Mariano
Published May 21, 2022 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Hari ng Tambay 2022


Sino kaya sa tatlong candidates ang mananalo bilang “Hari ng Tambay” ngayong taon? Abangan lamang 'yan sa 'TBATS' sa darating na Linggo (May 22).

Muling nagbabalik ang exclusive search para sa talented unemployed Pinoys sa The Boobay and Tekla Show!

Mapapanood sa darating na Linggo (May 22) ang “Hari ng Tambay 2022.”

Sa daan-daang mga jobless Filipino na nag-audition, tatlong lucky finalists ang pinangalanan at sasabak sila sa tatlong nakatutuwang rounds ng kompetisyon.

Ang tatlong kalalakihan ay self-proclaimed look-alikes nina basketeer Ricci Rivero, Kapuso hunk Paul Salas, at actor Ian Veneracion.

Sa gaganapin na talent portion, isa sa mga candidates ang magpapamalas ng kanyang dancing skills habang ang isa naman ay magbi-beatboxing.

Mayroon ding candidate na magpe-perform ng song number habang nagigitara.

Samantala, ang Mema Squad na sina Jennie Gabriel, John Vic De Guzman, Buboy Villar, Ian Red, at Pepita Curtis ang pipili kung sino ang tatanghalin na winner.

Ang magwawagi sa “Hari ng Tambay 2022” ay makatatanggap ng kanyang sariling chessboard, lamppost, at bench.

Sino kaya sa tatlong candidates ang "Hari ng Tambay" ngayong taon?

Huwag palampasin ang bagong episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (May 22) sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, muling balikan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng TBATS noong 2021 sa gallery na ito.