GMA Logo Gays Pangkalawakan
PHOTO COURTESY: TBATS
What's on TV

'Gays Pangkalawakan,' makikisaya sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published June 17, 2022 3:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

House urges lower remittance and bank transaction fees amid rising fuel costs
Vice mayor in Camiguin nabbed; alleged illegal drugs, gun seized
Heart Evangelista recognized as one of top celeb influencers at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Gays Pangkalawakan


Handa na ba kayo makisaya at makilala ang 'Gays Pangkalawakan?' Abangan lamang 'yan sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo (June 19).

Isang out-of-this-world episode ang hatid ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (June 19).

Mga Kapuso, humanda na kayo para sa isang gabi na punong-puno ng tawanan at kasiyahan dahil makikilala n'yo ang "Gays Pangkalawakan!”

Ang quartet na ito ay binubuo nina Maja Kubrador, Marian Rivermaya, Avatar, at ang internet favorite na si Barbiengot Forteza.

Mas makikilala naman ang apat na pageant veterans sa intervew segment na “Team Pangkalawakan Exposed!”

Bukod dito, ipapamalas din ng Gays Pangkalawakan ang kanilang mga talento at sasabak din sila sa question and answer portion.

Isang sorpresa naman ang hatid nina Boobay, Tekla, at Mema Squad para sa Gays Pangkalawakan. Ito ay ang special announcement na magiging bahagi sila ng The Boobay and Tekla Show bilang regular cast members soon.

Ano kaya ang magiging reaksyon nila dito? Abangan lamang 'yan sa TBATS sa darating na Linggo (June 19) sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, bailkan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng The Boobay and Tekla Show noong 2021 sa gallery na ito.