GMA Logo Dasuri Choi
PHOTO COURTESY: dasurichoi_
What's on TV

Dasuri Choi, ipamamalas ang kanyang dance moves sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published July 1, 2022 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Dasuri Choi


Sasabak sa isang 'Ultimate Dance Challenge' ang TikTok celebrity na si Dasuri Choi. Abangan 'yan sa 'TBATS' ngayong Linggo (July 3).

Party mode ngayong Linggo (July 3) sa The Boobay and Tekla Show dahil iwe-welcome na si Dasuri Choi.

A post shared by Dasuri Choi 최다슬 (@dasurichoi_)


Ipapamalas ng South Korean performer ang kanyang dance moves sa isang Ultimate Dance Challenge, kung saan haharapin niya sina TBATS host Boobay, Tekla, at Mema Squad na sina Buboy Villar, Jennie Gabriel, Pepita Curtis at Ian Red.

Sa nakatutuwang one versus all showdown na ito, tampok ang mga trending TikTok music, mula sa latest K-pop hits hanggang sa '70s disco anthems.

Maghaharap naman sina Dasuri at Boobay sa ultimate face-off, kung saan ipapakita ng komedyante ang kanyang Shakira-inspired dance moves.

Pagkatapos nito, malalagay sa hot seat ang ating guest star sa segment na “Guilty or Not Guilty.”

Samantala, bibista rin sina Sparkada members Anjay Anson at Roxie Smith sa The Boobay and Tekla Show.

PHOTO COURTESY: Sparkle GMA Artist Center

Masusubok ang acting skills ng dalawang Sparkle artists sa improv segment na “Ang Arte Mo.”

Exciting 'di ba? Abangan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, silipin ang stylish outfits ni Dasuri Choi sa gallery na ito.