
For the first time ever sa GMA Network, napanood ang talented artist na si Lyca Gairanod sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo (July 24).
Sumalang ang 17-year-old talent sa “May Pa-Presscon” kung saan ikinuwento niya ang kanyang buhay bilang vlogger at artist. Matatandaan na nagwagi si Lyca sa isang sikat na reality singing competition sa bansa noong 2014.
Ayon kay Lyca, maraming nagbago sa kanyang buhay matapos manalo sa The Voice Kids Philippines.
Aniya, “S'yempre po napakaraming nabago sa life ko talaga dati and ngayon kasi s'yempre mas nagagawa ko na po 'yung gusto ko.”
Matapos ito, ipinakita ang mga larawan ni Lyca noong bata pa lamang siya at ibinahagi niya ang kuwento tungkol dito. Ang mga naturang larawan ay galing sa isang video, kung saan siya ay kumakanta, na nag-viral noon.
PHOTO COURTESY: TBATS (show page)
Kuwento niya, “Actually, 'yan po 'yung time na nangangalakal ako kasi 'yun talaga 'yung work ko noong bata po ako, 'yung nangangalakal ako. And then 'yung time na po 'yan is... alam n'yo po 'yung uso 'yung mga suki suki?
“'Yung bahay na po 'yan, iyan po 'yung mga suki namin na nag-iipon talaga sila ng bote or plastic para po sa amin. So kinakantahan ko po sila then nag-video sila, then nag-viral din po 'yung video.”
Ipinamalas naman ni Lyca ang kanyang acting skills sa pagiging kontrabida sa isang improv segment kasama sina Tekla at Mema Squad members Pepita Curtis at Ian Red.
PHOTO COURTESY: TBATS (show page)
Samantala, sa musical quiz na “The Guess-Sing Game,” nanalo ang Team Paul, na binubuo nina Paul Salas, Ian, at Pepita, na nakakuha ng five points, habang natalo naman ang Team John Vic, na sina John Vic De Guzman, Boobay, at Tekla, na mayroon lamang four points.
PHOTO COURTESY: TBATS (show page)
Bago natapos ang masayang gabi, ipinalabas din ang hilarious take nina Boobay at Tekla tungkol sa viral story ng isang babaeng sinaniban habang ini-interview on live TV.
Para sa mas marami pang tawanan at kwentuhan, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, BALIKAN ANG HOTTEST “MAY PA-PRESSCON” EPISODES NG TBATS NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO.