
Isang nakakakilig na episode ang hatid ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, July 31.
Ang cute boys ng newest sitcom ng GTV na Tols ang magsisilbing searchees sa ating matchmaking game na “Pusuan Na 'Yan.”
Susubukan nina Kapuso actors Arkin Del Rosario, Shaun Salvador, at Kelvin Miranda na ma-impress ang magandang non-celebrity searcher para sa pagkakataong manalo ng dinner date kasama ito.
Sino kaya sa tatlong Sparkle actors ang mananalo sa puso ng ating searcher? Alamin 'yan sa darating na Linggo!
Bukod dito, mapapanood din sa TBATS ang bagong laro na “What's Your Number?”
Dito, maghaharap ang boys of Tols kasama si Mema Squad member John Vic De Guzman, at ang team nina Boobay, Teklat, at iba pang Mema Squad members na sina Jennie Gabriel, Ian Red, at Pepita Curtis.
Huwag palampasin ang episode na ito ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, BALIKAN ANG HOTTEST “MAY PA-PRESSCON” EPISODES NG TBATS NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO: