
Dalawang teams ng celebrity contestants ang naglaban sa bagong segment ng The Boobay and Tekla Show na “Good Answer” nitong Linggo (August 14).
Ang two teams ay ang The Mema Squad na binubuo nina Jennie Gabriel, John Vic De Guzman, Pepita Curtis, at Ian Red, at ang The StarStruck Squad na binubuo nina Kim De Leon, Shayne Sava, Abdul Raman, at Ella Cristofani.
PHOTO COURTESY: TBATS (show page)
Bago nagsimula ang laro, nagpasiklaban ng talento ang competing teams sa kanilang group presentations. Ipinamalas ng The Mema Squad ang kanilang talento sa pag-awit habang ang The StarStruck Squad naman ay sumayaw.
Sa “Good Answer,” hosted by Boobay at ng kanyang special co-presenter na si Steve Havey (Tekla), hinulaan ng The Mema Squad at The StarStruck Squad ang mga sagot ng survey respondents.
Nagkaroon naman ng dalawang rounds sa larong ito kung saan tinanong: “Ano ang kailangan para mawala ang anghit sa katawan?" at “Ano ang madalas na ibigay ng beki sa kanyang jowa?”
Sa huli, walang nagwagi sa dalawang teams dahil pareho silang walang nakuha na tamang sagot.
Bago natapos ang masayang gabi, ginawa ng TBATS hosts, The Mema Squad, at StarStruck Season 7 alumni ang sikat na TikTok trend na “Through The Fire Challenge.”
Samantala, nakakuha ang nakatutuwang episode na ito ng 4.0 percent rating, ayon sa NUTAM People Ratings.
Tuloy-tuloy lamang ang laughtrip at saya sa The Boobay and Tekla Show! Tutukan ang TBATS tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
BALIKAN ANG HOTTEST “MAY PA-PRESSCON” EPISODES NG TBATS NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO.