GMA Logo Ice Seguerra
What's on TV

Ice Seguerra, haharap sa maiinit na tanong sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published September 9, 2022 7:00 PM PHT
Updated September 9, 2022 7:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Ice Seguerra


Abangan ang special guest na si Ice Seguerra sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo (September 11).

For the first time ever, mapapanood ang talented singer na si Ice Seguerra bilang special guest sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) sa darating na Linggo (September 11).

Isang acoustic performance ang hatid ni Ice kasama sina The Clash Season 3 grand champion Jessica Villarubin at Boobay. Aawitin nila ang hit song ng Indigo Girls na “Power of Two.”

Sasabak naman si Ice sa masaya at matinding segment na “Guilt or Not Guilty.” Ini-istalk kaya ng singer-songwriter ang kanyang mga dating nakarelasyon? Ano'ng klaseng mga bagay ang pinag-aawayan nila ng kanyang asawang si Liza Diño? Lahat ng ito ay sasagutin ni Ice!

Iwe-welcome naman ng TBATS ang pagbabalik ni Mema Squad member Buboy Villar at ikukuwento ng Running Man Philippines cast member ang kanyang mga karanasan sa South Korea.

Sasagutin din ni Buboy ang isyung may kinalaman sa kanyang love life. Ano kaya ang real score sa pagitan nila ni Kapuso actress Faith Da Silva?

Bago matapos ang masayang gabi, aawitin ng TBATS hosts, Buboy, at Mema Squad, na sina Jessica, Pepita Curtis, Ian Red, at John Vic De Guzman, ang pinaka-challenging part sa kanta ni Whitney Houston na “One Moment in Time” sa “Birit Showdown.”

Kaninong bersyon kaya mapapahanga ang mga manonood?

Abangan ang exciting episode na ito ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, BALIKAN ANG HOTTEST “MAY PA-PRESSCON” EPISODES NG TBATS NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO.