GMA Logo Klea Pineda, Thea Tolentino, Arra San Agustin
PHOTO COURTESY: kleapineda, theatolentino, arrasanagustin (IG)
What's on TV

Klea Pineda, Thea Tolentino, Arra San Agustin, mapapanood sa 'The Cash: Sexy Sunday' ng 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published September 30, 2022 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda, Thea Tolentino, Arra San Agustin


Abangan sina Sparkle actresses Klea Pineda, Thea Tolentino, at Arra San Agustin sa “The Cash: Sexy Sunday” ng 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo (October 2).

Mapapanood ang pinakamasaya, pinaka-sexy, at pinakabrutal na asaran sa kantahan sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (October 2).

Tatlong grupo ng mga trio ang maglalaban sa “The Cash: Sexy Sunday” para sa pagkakataong manalo ng cash at iba pang prizes.

Ang unang grupo ay binubuo nina Kapuso stars Thea Tolentino, Jessica Villarubin, at Mema Squad member Ian Red, at kakantahin nila ang isang popular na soulful classic.

Isang sikat na ballad track naman ang hatid ng second group na sina Sparkle actress Klea Pineda, Tekla, at Pepita Curtis.

At siyempre, ipamamalas din ng huling grupo, na binubuo nina guest Casher Arra San Agustin, Boobay, at John Vic De Guzman, ang kanilang vocal prowess dahil aawitin nila ang isang hit pop song with a sexy take.

Bukod dito, kaabang-abang din ang parody ng viral story tungkol sa municipal mayor na ma-i-inlove sa isang guwapong lalaki pero makatatanggap ang una ng pagbabanta mula sa gobernador, na kasal na umano sa lalaking ito.

Tumutok sa exciting episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (October 2) via livestream at sa GMA pagkatapos sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, SILIPIN ANG HOTTEST “MAY PA-PRESSCON” EPISODES NG TBATS NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO.