GMA Logo Jkhriez Pastrana
PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show
What's on TV

Jkhriez Pastrana, ano ang katangiang hinahanap sa isang lalaki?

By Dianne Mariano
Published October 19, 2022 5:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Jkhriez Pastrana


Alamin ang katangiang hinahanap ng anak ng komedyanteng si Dagul na si Jkhriez Pastrana sa isang lalaki o manliligaw.

Napanood ang first-ever solo TV guesting ni Jkhriez Pastrana sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (October 16). Ang special guest ay ang talented na anak ng beteranong komedyante na si Dagul.

Mas nakilala ang 18-year-old aspiring actress at singer dahil sumalang siya sa “May Pa-Presscon” segment ng TBATS.

Isa sa mga tinanong kay Jkhriez ay kung naranasan niya na ba ang ma-in love. Ayon sa vlogger, hindi pa niya nararanasan na umibig pero may qualities o mga katangian din siyang hinahanap sa isang lalaki o manliligaw.

Aniya, “S'yempre 'yung mabait and tanggap ako nang buong-buo.'Yung about sa height naman, kahit ano okey lang.”

Ayon pa kay Jkhriez, isinasaalang-alang din niya ang sasabihin ng kanyang mga magulang pagdating sa pag-ibig.

“Ang laging sinasabi sa akin ni Papa, 'yung pagbo-boyfriend nandiyan lang 'yan. Ang pag-aaral at opportunity na darating sa 'yo, one time big time lang,” kuwento niya.

Dagdag pa niya, “'Yung goal ko kasi ngayon, balak ko maging Atty. Jkhriez and also s'yempre gusto ko ituloy 'yung yapak ng papa ko sa showbiz.”

Matapos ang “May Pa-Presscon,” nagsilbing judge si Jkhriez kasama ang Mema Squad, na sina Buboy Villar, John Vic De Guzman, Jennie Gabriel, Ian Red, at Pepita Curtis, sa isang pageant para sa mga talented little people na “Maliit na Malupit 2022.”

Sino kaya sa tatlong naggagandahang candidates na sina Joy Ducay, Lithania Morales, at Mildred Ordoña ang nag-uwi ng korona at titulo ng “Maliit na Malupit 2022?” Alamin sa video sa ibaba.

Non-stop talaga ang laugh trip at saya sa TBATS! Subaybayan lamang ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, BALIKAN ANG HOTTEST “MAY PA-PRESSCON" EPISODES NG TBATS NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO.