GMA Logo Carla Abellana
What's on TV

Carla Abellana, sasalang sa nakaiintrigang Q&A ng 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published October 20, 2022 6:15 PM PHT
Updated October 24, 2022 12:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Karl Eldrew Yulo qualifies for floor exercise final in Baku leg of Gymnastics World Cup
Sayran nato ang dagan sa Panahon karong Adlawa March 5, 2026 | Balitang Bisdak
New Engines, New Faces: Meet the F1 drivers of the 2026 season

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Abangan ang exclusive interview ni Kapuso actress Carla Abellana sa 'The Boobay and Tekla Show' sa darating na Linggo (October 23).

Isang explosive Sunday night ang hatid ng inyong favorite late night habit na The Boobay and Tekla Show!

Sa darating na Linggo (October 23), mapapanood ang beautiful at talented Kapuso actress na si Carla Abellana para sa isang exclusive interview.

Sasabak ang aktres sa revealing Q&A segment na “How Well Do You Know Carla Abellana?”

Paano nga ba hinaharap ng aktres ang masasakit na pinagdadaanan? Bakit sobrang mahalaga ang freedom para sa kanya? Alamin ang kanyang mga sagot ngayong Linggo!

Makikisaya rin ang aktres kasama sina Boobay, Tekla, at Mema Squad sa nakakatawang “Birit Showdown,” kung saan bibirit sila sa isang awitin ni Roselle Nava.

Masusubok naman ang improvisational skills ni Carla sa comedy sa isang improv acting challenge.

Huwag palampasin ang kaabang-abang na all-new episode na ito ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (October 23) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, SILIPIN ANG JAW-DROPPING LOOKS NI CARLA ABELLANA SA GALLERY NA ITO.