
Napanood ang beautiful at talented Kapuso star na si Carla Abellana sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) noong nakaraang Linggo (October 23).
Sumalang ang versatile actress sa revealing Q&A segment na “How Well Do You Know Carla Abellana?” kung saan iba't ibang tanong ang hinarap niya. Bago binigay ni Carla ang correct answer, sinubukan muna itong sagutin ng Mema Squad na sina John Vic De Guzman, Jessica Villarubin, Jennie Gabriel, Pepita Curtis, at Ian Red.
Isa sa mga tanong para kay Carla ay ang petsa ng kanyang kapanganakan at ang choices ay: A. National Heroes Day, B. Labor Day, at C. Independence Day. Tama naman ang sagot nina Ian at Pepita na letter C, o Independence Day (June 12).
Dito tinanong ni TBATS host Boobay ang aktres kung malaya ba ito bilang isinalang siya sa Araw ng Kalayaan.
“Aba dapat, malaya. Malaya tayo,” sagot ni Carla.
Nang tanungin ng komedyante ang aktres kung paanong malaya ang ibig nitong sabihin, paliwanag ng huli, “Malaya, parang maganda na isipin mo 'yung sarili mo 'di ba? Ipagtanggol mo 'yung sarili mo, ipaglaban mo 'yung sarili mo, gano'n!”
Nalaman din sa naturang segment na madaling patawanin ang aktres. Ibinahagi rin ni Carla kung paano niya inaaliw ang sarili sa tuwing nakararamdam ng lungkot.
“Maraming paraan. Puwedeng manood ng comedy na pelikula or series. Puwedeng makipaglaro sa mga aso ko. Gumawa ng sabon, isa 'yan sa mga hilig kong gawin. Magluto, mag-workout, yoga, at saka 'yung dance workout kapag gusto kong medyo tumaas 'yung aking energy,” aniya.
Nakisaya naman ang aktres kasama sina Boobay, Tekla, at Mema Squad sa "Birit Showdown,” kung saan isa-isa silang bumirit sa awiting “Bakit Nga Ba Mahal Kita" ni Roselle Nava.
Bago naman natapos ang masayang Sunday night, sinubok ang improvisational skills ni Carla sa nakatutuwang acting challenge, kung saan ni-reenact niya at ng TBATS casts ang isang matinding eksena ng aktres sa kanyang naging teleserye na Pamilya Roces.
Tuloy-tuloy lamang ang saya at tawanan na hatid ng inyong favorite late night habit! Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
IN PHOTOS: THE JAW-DROPPING LOOKS OF CARLA ABELLANA: