
Ngayong Linggo, November 13, mapapanood ang nakakakilig at nakatutuwang dating game na “Pusuan Na 'Yan” sa The Boobay and Tekla Show.
Tatlong lucky guys ang susubukan sungkitin ang puso ng isang kilalang content creator gamit ang kanilang charm, unique personalities, at talents.
Single at naghahanap ng lalaking nais niyang makasama sa isang romantic dinner date ang TikTok sensation na si Euleen Castro, o mas kilala bilang si Pambansang Yobab.
PHOTO COURTESY: euleenc (IG)
Upang ma-impress si Euleen, sasalang sa mga hamon ang Sparkle actors na sina model-actor Kirst Viray, Fil-Pakistani Raheel Bhyria, at singer-actor Kim Perez.
PHOTO COURTESY: kirstviray, raheel.bhyria, mr.kimperez (IG)
Sino kaya sa tatlong Sparkle artists ang makakakuha sa atensyon ng TikTok star?
Bukod dito, kaabang-abang din ang iba't ibang nakakatawang videos sa “Pasikatin Natin 'To” at ang parody ng isang viral na kuwento sa social media.
Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show sa darating na November 13 via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, BALIKAN ANG HOTTEST “MAY PA-PRESSCON EPISODES” NG TBATS NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO.