GMA Logo Kokoy De Santos at Angel Guardian
PHOTO COURTESY: kkydsnts and itsangelguardian (IG)
What's on TV

Kokoy De Santos at Angel Guardian, sasabak sa masaya at nakakakilig na kuwentuhan sa 'TBATS!'

By Dianne Mariano
Published December 2, 2022 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy De Santos at Angel Guardian


Abangan sina Sparkle stars Kokoy De Santos at Angel Guardian sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo (December 4).

Mapapanood ngayong Sunday (December 4) sina Running Man PH cast Kokoy De Santos at Angel Guardian sa The Boobay and Tekla Show para sa masaya at nakakakilig na kuwentuhan.

Sa "May Pa-Presscon," diretsahang sasagutin nina Kokoy at Angel ang tungkol sa tunay na namamagitan sa kanilang dalawa.

Bukod dito, ipamamalas ni Angel ang kanyang galing sa kantahan habang ipapakita naman ni Kokoy ang kanyang comedy side dahil aawitin nila ang isang sikat na hit ballad sa segment na “Birit Showdown.”

Makakasama rito ng dalawang Kapuso stars sina TBATS hosts Boobay at Tekla, at Mema Squad na sina Jennie Gabriel, Ian Red, Pepita Curtis, at Jessica Villarubin.

Nagbabalik din ang nakatutuwang man-on-the-street interview kung saan magtatanong sina Boobay at Tekla ng tricky questions sa mga tao.

At siyempre, makakasama rin natin ang studio audience ngayong Sunday para mas maging masaya at makulay ang gabi.

Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (December 4) sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Mapapanood din ang programa online sa official Facebook page ng TBATS at official YouTube channel ng YouLOL.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG RUNNING MAN PHILIPPINES DITO: