GMA Logo Kokoy De Santos, Angel Guardian
PHOTO COURTESY: TBATS
What's on TV

Angel Guardian, bibigyan ba ng chance si Kokoy De Santos kung manligaw sa kanya?

By Dianne Mariano
Published December 5, 2022 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Pascal Siakam's 36-10 double-double powers Pacers past Bulls
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy De Santos, Angel Guardian


Alamin ang naging sagot ni Kapuso actress Angel Guardian DITO:

Ramdam ang kilig vibes sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (December 4) dahil sa masayang kuwentuhan kasama ang celebrity guests na sina Running Man Philippines cast Kokoy De Santos at Angel Guardian.

Hinarap nina Kokoy at Angel ang iba't ibang tanong tungkol sa kanilang dalawa sa hot seat segment na “May Pa-Presscon."

Isa sa mga tanong para sa Sparkle at Mano Po Legacy actress ay kung mayroon bang chance ang kapwa niya Kapuso star kung sakaling liligawan siya nito.

“Oo nam-,” nadulas na sagot ni Angel, na agad niyang dinugtungan ng "Tignan natin."

Dagdag niya, “Syempre depende 'yan kung gaano ba kagaling manligaw 'di ba? Syempre kailangan maramdaman mo na gusto ka talaga.”

Pagkatapos nito ay tinanong ni Jessica Villarubin kung paano ba manligaw si Kokoy. Sagot ng Sparkle heartthrob, “Consistent lang sa lahat ng mga ginagawa.”

Ibinahagi naman ni Angel na kasama ang pagiging consistent sa katangiang hinahanap niya sa isang lalaki, pati na rin ang pagiging maalaga, gentleman, at mayroong mahabang pasensya.

Matapos ito, nagkaroon ng isang game kung saan mayroong tanong para kay Kokoy tungkol sa aktres. Kung tama ang sagot nito ay hahalikan niya si Angel at kung mali naman ay bubunot siya sa box ng pangalan ng taong kanyang hahalikan.

Ang tanong para kay Kokoy ay tungkol sa tipong lalaki ni Angel at ang tatlong pagpipilian ay “A. Chinitong mahaba ang buhok, B. Amboy na may tattoo, o C.Morenong may dimples.”

Ano kaya ang tamang sagot? Alamin sa video sa ibaba.

Nakasama naman nina Kokoy at Angel ang TBATS hosts at Mema Squad, na sina Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, Ian Red, at Pepita Curtis, sa “Birit Showdown,” kung saan by pairs nilang inawit ang popular ballad track na “Gusto Ko Nang Bumitaw.”

Bukod dito, sinubukan din nina Boobay at Tekla ang galing ng mga Pinoy pagdating sa trivia sa “TBATS On The Street."

Patuloy na subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Mapapanood din ang programa online sa official Facebook page ng TBATS at YouTube channel ng YouLOL.

SAMANTALA, SILIPIN ANG HOTTEST LOOKS NI ANGEL GUARDIAN SA GALLERY NA ITO.