
Ngayong Linggo (December 11), maagang ipagdiriwang ang Pasko sa The Boobay and Tekla Show.
Makakasama natin this Sunday ang newest Kapuso star na si Jayson Gainza at ang kapwa niyang Happy ToGetHer actor na si Janus Del Prado.
Mas makikilala natin ang dalawang actor-comedians sa segment na “May Pa-Presscon” at ilalahad naman nila ang kanilang naughty sides sa “Guity or Not Guilty.”
Matapos ito ay pangungunahan naman nina Jayson at Janus ang dalawang opposing teams, kung saan sila'y magpapagalingan sa banatan ng jokes.
Kaninong mga joke naman kaya ma-i-impress ang ating audience?
Nagbabalik naman ang man-on-the-street interview kung saan tatanungin nina TBATS hosts Boobay at Tekla ang mga respondent na i-translate ang ilang Filipino Christmas song titles at lyrics sa Ingles.
At s'yempre makakasama rin ngayong Linggo ang Mema Squad na sina Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, Ian Red, at Pepita Curtis.
Abangan ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show sa December 11 sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Mapapanood din ang programa online sa official Facebook page ng TBATS at official YouTube channel ng YouLOL.
SAMANTALA, ALAMIN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI JAYSON GAINZA SA GALLERY NA ITO