
Isang gabi ng masasayang selebrasyon ang hatid ng inyong favorite Sunday night habit!
Mapapanood for the first time ang sexy Cebuana star na si Sunshine Guimary sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (January 15).
Sasabak ang model-turned-vlogger and actress sa hot seat at haharapin ang nakaiintrigang mga tanong sa “May Pa-Presscon.” Bukod dito ay sasagutin din ni Sunshine ang mga maiinit na tanong sa “Guilty or Not Guilty.”
Samantala, isang surprise birthday celebration naman ang naghihintay para kay TBATS host Tekla. Mayroon pang masayang kantahan sa pagitan ng Kapuso comedian at Mema Squad members na sina Jessica Villarubin at Jennie Gabriel.
Abangan ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (January 15) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, ALAMIN KUNG BAKIT KABILANG SINA BOOBAY AT TEKLA SA MGA NANGUNGUNA SA LARANGAN NG COMEDY DITO.