GMA Logo Madam Inutz
What's on TV

Madam Inutz, maghahatid ng saya at kilig sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published January 19, 2023 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MMDA eyes uniform truck ban hours, opening of private roads to ease traffic
DOLE 7 commends driver who rescued 6 in Liloan, Cebu
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

Madam Inutz


Abangan ang social media sensation na si Madam Inutz at ang kanyang real-life sweetheart sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo (January 22).

Siguradong mapupuno ng saya at kilig ang Sunday night n'yo dahil mapapanood ang special guest na si Madam Inutz sa The Boobay and Tekla Show (TBATS)sa darating na January 22. TBATS -

Makakasama rin ng social media sensation ang kanyang real-life sweetheart na si Edward “Tan Tan” Noel at ikukuwento nila sa isang interview kung paano nagsimula at umusbong ang kanilang relasyon.

Ipamamalas din ni Madam Inutz ang kanyang talento sa pagkanta sa “Birit Showdown,” kung saan isang Aegis classic ang kanyang kakantahin.

Makakasama ng special guest sa showdown ang TBATS cast na binubuo nina Boobay at Tekla, pati ang Mema Squad na sina Buboy Villar, Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, Ian Red, at Pepita Curtis.

Abangan din ang nagbabalik na “TBATS on the Street” dahil magtatanong ang comedy duo ng iba't ibang tricky question sa mga tao.

Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (January 22) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA SOCIAL MEDIA STAR NA NAPANOOD SA IBA'T IBANG GMA SERIES SA GALLERY NA ITO.