
Masayang sayawan at tawanan ang mapapanood sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (March 19).
Ipamamalas ng host, comedienne, at mother of two na si Sugar Mercado ang kanyang husay sa pagsasayaw, pati na rin sa komedya sa isang countdown ng kanyang limang pinakapaboritong dance hits.
PHOTO COURTESY: sugarmercado7 (IG)
Hindi rin magpapatalo ang The Mema Squad at studio audience dahil sila rin ay sasabak sa ilang TikTok hits sa isang “buwis-buhay” dance showdown kasama si Sugar.
Abangan din ngayong Linggo ang Sparkle actress na si Max Collins dahil isa siya sa mga maglalaro sa “Guess The Mystery Word.”
Bukod dito, mapapanood ang nakatutuwang man-on-the-street segment na “TBATS on the Street” kasama sina Boobay at Tekla.
Huwag palampasin ang all-new episode ng TBATS ngayong Linggo (March 19) sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Mapapanood din ang programa sa official Facebook page ng TBATS at YouTube channel ng GMA Network.
SAMANTALA, TIGNAN ANG SWEETEST MOMENTS NINA SUGAR MERCADO AT NG KANYANG DALAWANG BABAENG ANAK SA GALLERY NA ITO.