GMA Logo The Best Ka!
What's on TV

Kakaibang Guinness World Records, tampok sa 'The Best Ka!'

By Beatrice Pinlac
Published February 7, 2022 4:18 PM PHT
Updated February 9, 2022 11:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

IRR sa ‘No to Single Use Plastic’ Ordinance sa Davao City, gipagawas na | One Mindanao
Alex Eala, Ingrid Martins bow out of Australian Open doubles
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction

Article Inside Page


Showbiz News

The Best Ka!


Babaeng may pinakamahabang kuko? Pinakamabilis na pagkain ng sili? Bibida na ang mga hindi pangkaraniwang kuwento sa 'The Best Ka!'

Malapit nang mapanood ang Best of the Best mula sa Guinness World Records sa bagong comedy infotainment program na handog ng Kapuso Network.

Simula ngayong ika-20 ng Pebrero, samahan ang inyong resident bestfriend na si Mikael Daez sa kaniyang pagtuklas ng mga hindi pangkaraniwang kuwento na tampok sa The Best Ka!

Mula sa pinakamahabang kuko hanggang sa pinakamabilis na pagkain ng sili, tiyak na kaabang-abang ang samu't saring records na itinuturing na “Best of the Best” sa Pilipinas at sa buong mundo.

Pero bukod sa pagpapasaya at pagbibigay-aliw, layon din ng programa na maghatid ng impormasyon at aral para sa kanilang mga manonood.

Kaya isama na ang inyong pamilya at barkada sa pagtuklas ng mga kuwentong kakaiba. Sabay-sabay na matuto at tumawa sa The Best Ka! tuwing Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.

Huwag din magpahuli sa The Best Ka! updates, mga best! I-follow niyo na kami rito:

Facebook: https://www.facebook.com/TheBestKaGMA

Instagram: https://twitter.com/thebestkaGMA

Twitter: https://www.instagram.com/thebestkaGMA