What's on TV

WATCH: 'The Better Woman' mapapanood na gabi-gabi!

By Cara Emmeline Garcia
Published July 2, 2019 10:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Clippers post biggest winning margin of season vs. Kings
Dingdong Dantes looks back on 11 years of marriage to Marian Rivera
#PlayItBack: The GMA Playlist Year-ender Special

Article Inside Page


Showbiz News



Nagsimula na kagabi ang pinakamapusok na primetime series sa Kapuso network na 'The Better Woman.' Read more:

Nagsimula na kagabi ang pinakamapusok na primetime series sa Kapuso network na The Better Woman.

Dito, gumaganap sina Andrea Torres bilang Juliet Santos at Jasmine Santos-de Villa at Derek Ramsay bilang Andrew de Villa.

Sa interview ni Nelson Canlas, inamin ni Andrea na 'di niya inaasahang mas matindi ang gagawin niyang preparasyon para magbigay buhay sa dalawang karakter na ginagampanan niya.

Sa katunayan, kumuha ng pole dancing lessons ang aktres para sa isang role niya.

Bahagi ni Andrea, “Nung na-experience ko na, parang mas lumaki 'yung respeto ko sa mga nagpo-pole dancing kasi 'yung pasa grabe!

"At saka, 'yung pinagdaanan para lang magawa mo 'yung stunts na yun, 'di rin biro.”

Im very excited for this project. Hope all of you enjoy our show. Its been really tough doing it but definitely worth it. #thebetterwoman coming this july sa #gmatelebabad😘

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07) on


IN PHOTOS: Andrea Torres shows off her pole dancing skills

Kuwento naman ni Derek, humahanga siya sa kaniyang on-screen partner dahil sa dedikasyong pinapakita nito sa set kaya naman papantayan niya ang galing nito.

“That's why I love the script kasi sobrang challenged,” aniya.

“She's playing twins but in a sense, I'm also playing two different people.”

Dahil sa galing ng on-screen chemistry ng dalawa, marami ang nagsasabing mukhang matagal nang magkatrabaho ang dalawa.

At para sa Kapuso hunk, isa itong malaking compliment para sa kanilang dalawa.

“It means we've done our job because we're supposed to be in love.”

Abangan sina Derek at Andrea sa hottest primetime drama sa bansa na The Better Woman, mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas:

Derek Ramsay, ibinahagi kung ano ang 'The Better Woman' para sa kanya

Derek Ramsay, nag-iingat para hindi mabastos ang kanyang 'The Better Woman' co-star na si Andrea Torres