
Sa pakikiapid o cheating habang nasa isang relationship umikot ang malaking bahagi ng istorya ng GMA Telebabad series na The Better Woman.
Kaya kung tatanungin ang lead star nitong si Kapuso actress Andrea Torres, sa tingin niya hindi raw aksidente ang pakikiapid.
"[Cheating is] always a choice. Always naman 'yun, so feeling ko walang excuse 'pag nag-cheat ka.
“Walang valid na excuse na mabibigay sa partner mo," pahayag niya.
Sa tingin din daw niya, madaling maging tapat kung talagang tunay ang pag-iibigan ng dalawang tao.
"Hindi naman siya talaga mahirap gawin especially when you're in love.
“Hindi siya mahirap gawin. Parang hindi ka naman mate-tempt talaga," aniya.
Sa huling linggo ng The Better Woman, magkakaroon ba ng pagpapatawad sa pagitan ng mga karakter ni Andrea na sina Jasmine at Juliet?
Huwag bumitaw sa nalalapit na pagtatapos ng The Better Woman, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The Gift.
WATCH: Vicky Morales at Andrea Torres, nakisaya sa 5th Miss Possibilities Pageant and Inclusive Fashion Show
LOOK: Andrea Torres, pinanood si Derek Ramsay habang naglalaro ng golf