
Marami daw natutunan si The Better Woman lead actor Derek Ramsay sa kanyang mga batang co-stars na sina Yuan Francisco at Bryce Eusebio.
Gumanap ang dalawang child actors bilang ang kanyang mga pamangkin sa show.
Dahil malapit nang magtapos ang kanilang serye, nag-post si Derek ng selfies kasama ang dalawa.
"It was fun working these talented kids. I learned so much from them. Keep working hard @yuanfrancisco11 @bryce_eusebio and always be good. #thebetterwoman," mensahe niya sa dalawa.
Tumutok lang sa huling tatlong araw ng The Better Woman, pagkatapos ng The Gift sa GMA Telebabad.
LOOK: Andrea Torres, pinanood si Derek Ramsay habang naglalaro ng golf
WATCH: Workout with Derek Ramsay