GMA Logo the chosen on GTV
What's on TV

Christian historical drama na 'The Chosen,' mapapanood sa GTV

By Marah Ruiz
Published July 24, 2025 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Kilusang Bayan Kontra Kurakot press conference (Jan. 19, 2026) | GMA Integrated News
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

the chosen on GTV


Mapapanood ang unang season ng Christian historical drama na 'The Chosen' sa GTV.

Nasa GTV na ang beloved at award-winning Christian historical drama na The Chosen!

Mapapanood ang unang season ng fan-supported na seryeng ito tuwing Linggo, simula August 3.

Ang The Chosen ay tungkol sa buhay ni Hesus mula sa pananaw ng mga taong nakasalamuha niya.

Kabilang dito ang isang mangingisdang baon sa utang, babaeng sinasapian ng mga masasamang elemento, kolektor ng buwis na itinakwil ng sarili niyang pamilya at kalahi, at religious leader na nagkakaroon ng pag-aalinlangang sa kanyang pananampalataya.

Hinirang din ito bilang Television Series of the Year noong 2023 sa GMA Dove Awards ng Gospel Music Association of the United States.

Nabingwit din ng lead actor na si Jonathan Roumie na gumaganap sa serye bilang si Hesus ang Grace Prize noong 2020 mula sa Movieguide Awards na annual Christian entertainment awards ceremony.

Crowdfunded ang unang season ng The Chosen at naging streaming hit ito sa The Chosen app, pati na sa iba pang digital platforms. Ngayon, mapapanood na ito sa telebisyon sa Pilipinas.

Abangan ang The Chosen, tuwing Linggo, simula August 3, 6:15 p.m., sa GTV.

SNEAK PEEK: 'The Chosen' airs on GTV