
Isang matinding sorpresa ang sumalubong sa contender na si Mark Avila at sa viewers sa The Clash 2023.
Sa latest episode ng GMA singing competition na ipinalabas kahapon, April 30, si Mark ang naiwang alanganin mula sa mga nag-perform sa "Isa Laban Sa Lahat" round.
Ang mga kapwa niya kalahok na sina Rex Baculfo, Liana Castillo, Arabelle Dela Cruz, Jerome Granada, at Isaac Zamudio ay safe at makapagpapatuloy sa The Clash 2023. Itinanghal silang top five Clashers.
Sa puntong ito, may chance pa si Mark na ipaglaban ang kanyang pwesto sa next round pero kailangan niya munang kalabanin ang eliminated contestants sa "Clashback."
Nagbalik sina Zyrene Ciervo, Jean Drilon, Jemy Picardal, Nash Casas, Jamie Elise, at Mariel Reyes sa musical competition para muling subukang makatungtong sa 'Top of the Clash.'
Ang tatanghaling ikalimang The Clash grand champion ay makapag-uuwi ng Php 1,000,000 in cash, exclusive contract under GMA, at brand new house and lot worth three million pesos mula sa Camella.
Sumatotal, aabot ng four million ang halaga ang prize package ng The Clash 2023 para sa winner nito.
Ang The Clash 2023 ay pinangungunahan ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Mapapanood ito tuwing Linggo, 7:50 p.m., bago ang KMJS sa GMA 7, at sa YouTube channel/Facebook page ng The Clash at Facebook page ng GMA Network kasabay ng pag-ere nito sa TV.
Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash o sa official social media pages ng programa.
Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
BAGO ITANGHAL ANG IKALIMANG THE CLASH WINNER, KILALANIN ANG REIGNING THE CLASH GRAND CHAMPION NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: