
Ipinakilala na ang huling apat na kalahok ng The Clash 2023 sa latest episode nito na ipinalabas noong Linggo, May 21.
Nagpasiklab sina Arabelle Dela Cruz, Isaac Zamudio, Liana Castillo, Mariel Reyes, at Rex Baculfo sa The Clash concert isang linggo bago ang inaabangang grand finale ng musical competition.
Makakatungtong sa final clash sina Arabelle, Liana, Mariel, at Rex na magaganap ngayong Linggo, May 28. Samakatuwid, si Isaac ang na-eliminate.
Ang tatanghaling ikalimang The Clash grand champion ay makapag-uuwi ng Php 1,000,000 in cash, exclusive contract under GMA, at brand new house and lot worth three million pesos mula sa Camella.
Sumatotal, aabot ng four million ang halaga ang prize package ng The Clash 2023 para sa winner nito.
Mapapanood ang grand finale ng The Clash 2023 sa Linggo, May 28, 7:50 p.m., bago ang KMJS sa GMA 7.
Maaari rin itong mapanood sa YouTube channel/Facebook page ng The Clash at Facebook page ng GMA Network kasabay ng pag-ere nito sa TV.
Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash o sa official social media pages ng programa.
Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
BAGO ITANGHAL ANG IKALIMANG THE CLASH WINNER, KILALANIN ANG REIGNING THE CLASH GRAND CHAMPION NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: