
Isa lang ang mag-uuwi ng korona bilang The Clash champion sa inaabangan finale ngayong May 28 sa Sunday Grande sa gabi.
Sino kina “Feisty Diva” Arabelle dela Cruz, “Baby Girl Biritera” Liana Castillo, “Sexy Songstress” Mariel Reyes, at “Simpatikong Bokalista” Rex Baculfo ang tatanghalin na pinakabagong winner sa The Clash.
Pero bago ang matindi nilang salpukan sa grand finale, nakapanayam ang apat ng 24 Oras kung saan ibinahagi nila ang nararamdaman nila ngayong they are one step closer sa kanilang mga pangarap.
Para kay Rex na natitirang male competitor sa The Clash, ikinuwento niya ang natutunan niya sa kaniyang journey nang sumali sa iconic singing competition ng GMA-7. Aniya, “Siguro 'yung pinakanatutunan ko is talagang kaya ko pala.”
Ayon namay kay Liana Castillo, iniisip naman niya ang kaniyang pamilya sa pagsabak sa ultimate battle niya sa The Clash arena.
Kuwento niya kay Aubrey Carampel, “Iniisip ko po 'yung parents ko 'yung sumusuporta po sa akin. Sila lang po 'yung iniisip ko na kung hindi man po para sa akin, para po sa kanila.”
Hindi naman sukat akalain ni Arabelle dela Cruz na aabot sila sa Top 4.
Lahad niya, “Noon nangangarap lang kami na kumanta [na] lumabas sa TV, pero ngayon nakaabot kami sa Top 4. Kaya super happy po.”
Matindi naman ang pinaghuhugutan ni Mariel Reyes para sa kanilang finale na iniisip ang hirap na naranasan nila sa probinsya at kaniyang pamilya.
Paliwanag ni Mariel, “'Yung experience na 'yun parang doon ako humuhugot din. 'Yun 'yung edge ko na maabot ko talaga 'yung mga gusto ko, 'yung pangarap ko bilang grand winner.”
Ilan sa mga past winners ng The Clash ay sina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, at Mariane Osabel.
MEET THE AMAZING FINAL 4 OF THE CLASH SEASON 5: