GMA Logo Aiai Delas Alas
What's on TV

Aiai Delas Alas, babalik ng Pinas para sa 'The Clash' season 6

By Kristian Eric Javier
Published May 30, 2024 4:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

President Marcos inspects San Juanico Bridge (Dec. 12, 2025) | GMA Integrated News
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


Excited na si Aiai Delas Alas para sa bagong season ng 'The Clash!' Ano-anong paghahanda kaya ang ginagawa niya?

Ready at sobrang excited na ang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas para sa upcoming season six ng reality singing show na The Clash. Katunayan, pinaghahandaan na niya ang mga damit at gimik na gagawin para sa bagong season.

“Ngayon pa lang nag-aabang na ako ng mga isusuot ko, nag-iisip ako ng mga gimik ko, at saka nag-iisip ako anong gagawin ko sa mga damit ko. Ito na, game na ulit,” sabi ni Aiai kay Lhar Santiago para sa 24 Oras.

Aniya, inaabangan na niya ang maraming twist ng bagong season ng show na kahit silang mga judge ay nasosorpresa. Ayon kay Aiai, uuwi siya sa Pilipinas sa August para mag-taping ng The Clash. Kasabay nito ay ang pag-guest niya sa ilang Kapuso shows.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA EPIC OUTFITS NI AIAI SA 'THE CLASH' SA GALLERY NA ITO:

“'Yung mga guesting ko, inaayos na nila habang nandiyaan ako sa Philippines, habang nagte-taping ako ng The Clash, and I hope makapag-guest ako sa ganito, sa ganiyan, sana makapag-guest ako sa 'Abot-Kamay (Na Pangarap)',” aniya.

Pero bago pa dumating ang August ay uuwi na rin ngayong June ang Comedy Concert Queen para naman sa graduation ng kaniyang bunsong anak na si Andrei. Katunayan, plantsado na rin ang schedule niya para sa paparating na buwan.

“Ga-graduate 'yung anak kong bunso, si Andrei, and then after niyan, pupunta ako sa Japan dahil may show ako ng June 15 and 16,” sabi niya.

Sa ngayon ay abala si Aiai sa pag-aasikaso ng kaniyang tinayong kompanya sa Amerika, kasama ang dati niyang makeup artist na si Marlou Colina, na ngayon ay isa na ring nurse, aesthetician, at negosyante. Ito rin umano ang naging daan para magsimula si Aiai ng sarili niyang negosyo.

Pag-update ni Aiai sa kaniyang kompanya, “In process pa kasi kaka-meeting ko lang du'n sa accountant kung ano 'yung gagamitin namin na corporation name. Pero under du'n itong Martina's Skin Care.”

Panoorin ang buong interview ni Aiai dito: