
Inilabas na ngayong gabi, August 31, ng The Clash 2024 ang opisyal na listahan ng mga kalahok sa sixth season ng GMA musical competition.
Inanusyo ng programa na magsisimula ang laban sa 24 Clashers na nakapasa sa final screening. Binubuo ito ng mga kalahok mula Luzon, Visayas, Mindanao, at Metro Manila.
Magbabalik sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose bilang Clash Masters o hosts ng The Clash 2024.
Mananatiling panel naman ang orihinal na judges nito na sina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha.
Mapapanood ang The Clash 2024 tuwing Sabado, simula September 14, 7:15 p.m. sa GMA at online via Kapuso Stream. Magiging available ang live streaming nito sa YouTube channel at Facebook page ng The Clash 2024, at sa Facebook page ng GMA Network.Ipapalabas din ang all-original Filipino singing and reality search sa GTV sa oras na 9:45 ng gabi.
Ang The Clash 2024 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
RELATED: Sneak peek at the fun set of 'The Clash 2024'