
Nagsimula na kagabi, September 14, ang ika-anim na season ng all-original singer competition ng GMA Network na The Clash.
Muling magbabalik ang tatlong judges ng programa na sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Aiai Delas Alas kasama sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz bilang Clash Masters.
"Somehow na-a-attach kasi kami dahil nga nalalaman namin 'yung back story ng buhay nila, buhay ng pamilya nila, tapos mako-connect mo sa kanilang performance," saad ni Lani sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras.
Para kay Aiai, nahihirapan silang pumili kung sino ang mananatili sa kompetisyon lalo na kung parehong magagaling ang Clashers.
Aniya, "Nakaka-iyak talaga 'pag parehong magaling, mahirap magdesisyon pag ganun kailangan kasi isa lang 'yung matitira."
Dagdag ni Christian, "Parang pumapasok na ang faith at destiny sa level na 'yun, e, pareho kayong magaling, pareho niyong dream ito, pero sa totoo lang, isa lang talaga, e, isa lang talaga. So, dapat ready rin sila doon na ma-accept 'yun."
Mapapanood ang The Clash 2024 tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA at online via Kapuso Stream. Magiging available ang live streaming nito sa YouTube channel at Facebook page ng The Clash 2024, at sa Facebook page ng GMA Network.
Ipapalabas din ang all-original Filipino singing and reality search sa GTV sa oras na 9:45 ng gabi.
Ang The Clash 2024 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
RELATED GALLERY: Sneak peek at the fun set of The Clash 2024