
Tila nabunutan ng tinik sa dibdib ang newly-eliminated Clasher na si Vin Rimas matapos ianunsyo na may tsansa siyang makabalik sa The Clash 2024.
Laglag sa Top 5 ang 31-year-old Batangueno balladeer pero hindi doon nagtatapos ang kanyang The Clash journey nang buksan sa sixth season ang exciting na 'Clashback' round, kung saan babalik ang mga dati nang natanggal na contestants.
Ang The Clash panel ang pipili kung sino-sino sa ex-Clashers ang karapat-dapat na makabalik para mabigyan ng ikalawang pagkakataong makapagpatuloy sa kompetisyon.
Ang mga mapipili ng judges ang makakaharap ni Vin sa isang espesyal na
"Matira Ang Matibay" round. Kung sino ang mananalo rito, siya ang makakaupo muli sa 'Top of the Clash' at kukumpleto sa Final 6.
Subaybayan 'yan sa The Clash 2024 sa susunod na Sabado, November 30, 7:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito sa Kapuso Stream via YouTube channel at Facebook page ng The Clash 2024, at Facebook page ng GMA Network.
May replay naman ang all-original Filipino singing and reality search sa GTV sa oras na 9:45 ng gabi.
Ang The Clash 2024 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
RELATED: Sneak peek at the fun set of 'The Clash 2024'