GMA Logo naya ambi
What's on TV

Pinakabatang 'The Clash 2024' finalist na si Naya Ambi, nais tulungan ang isang simbahan kung sakaling manalo

By Jansen Ramos
Published December 14, 2024 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

naya ambi


Inspired ang Soulful Gen Z ng Las Piñas na si Naya Ambi na masungkit ang 'The Clash 2024' grand champion title dahil gusto niyang tumulong sa isang programa ng simbahan.

Pinakabata man, huwag mamaliitin ang bigating boses ng Soulful Gen Z ng Las Pinas na si Naya Ambi.

Isa si Naya sa Final 4 Clashers ng The Clash 2024 na maghaharap-harap sa grand finals ngayong Sabado, December 14.

Sa edad na 19, may makabuluhang plano na agad si Naya kung sakaling siya ang palaring manalo sa sixth season ng The Clash.

Aniya sa panayam ng GMA Integrated News, ilalaan niya ang parte ng kanyang mapapalanunan sa isang programa ng simbahan.

"'Sila po ay mga teachers sa mga street children. Nagtuturo po sila sa mga bata na naglalaro lang sa kalye, and tinuturuan po nila yung mga bata ng mga bible stories. And as young as they are, ine-establish po nila yung takot sa Diyos."

Kumpiyansa naman si Naya sa kanyang vocal talent dahil, aniya, isa sa mga edge niya sa kompetisyon ay ang kanyang song choice at originality ng boses.

Ika niya sa hiwalay na panayam ng GMANetwork.com, "Napakahalaga po na gumawa ka ng sarili mong trademark...parang as an artist, you have to be unique."

Ang Soulful Gen Z ng Las Pinas na ba na si Naya Ambi ang susunod sa yapak nina Golden Canedo, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Mariane Osabel, at John Rex?

Alamin 'yan ngayong gabi sa The Clash 2024, 7:15 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.