Get to know 'The Clash' Season 3 winner Jessica Villarubin

GMA Logo Jessica Villarubin

Photo Inside Page


Photos

Jessica Villarubin



Noong December 20, idineklara ang bagong 'The Clash' grand champion sa katauhan ng 24-year-old Power Cebuana Diva na si Jessica Villarubin.

Sa simula pa lang ng kompetisyon, nakitaan na ng potensyal si Jessica dahil sa kanyang mataas na boses at pagbirit sa ilang belter songs gaya ng "Lipad ng Pangarap" at "Come in and out of the Rain."

Sa katunayan, nakatanggap siya ng standing ovation mula sa isa sa mga judges na si Aiai Delas Alas matapos marinig ang rendition niya ng "My Love Will See You Through" sa round two ng 'The Clash.'

Biro tuloy ng kapwa hurado ni Aiai na si Christian Bautista, "Jessica, umuwi ka na. Sa finals ka na bumalik."

Bagamat kinilalang frontrunner sa kompetisyon, nagkaroon din siya ng low moments matapos malagay sa bottom two ng dalawang beses.

Gayunpaman, nakabawi si Jessica at lumaban hanggang grand finals kung saan tinalo niya ang Birit Babe ng Makati na si Jennie Gabriel.

Napahanga ni Jessica ang judges sa winning song niyang "Habang May Buhay" na inaalay niya sa kanyang pamilya.

Higit pang kilalanin si Jessica Villarubin sa gallery na ito:


Family
Education
Work
Viva La Diva
First timer
Bullying
Online audition
Transportation
Breadwinner
Champion
New look
Confidence
Debut single

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist