IN PHOTOS: 'The Clash 2021' top 30

Handa na muli ang all-original Filipino singing competition na 'The Clash' na maghanap ng susunod na singing idol sa bansa.
Mula sa daan-daang nag-audition, 30 kalahok ang masuwerteng nakapasa para makatungtong sa opisyal na unang round ng kompetisyon. Makakaharap nila dito ang mas makilatis at mas masuring 'The Clash' panel na binubuo nina Comedy Queen Aiai Delas Alas, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Asia's Nightingale Lani Misalucha.
Mas magiging engrande at exciting ang laban dahil sinala mabuti ng 'The Clash' screening panel ang mga kalahok na tutungtong sa next round mula Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao.
Kilalanin ang mga maaaring sumunod sa yapak ng 'The Clash' grand champions na sina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, at Jessica Villarubin sa gallery na ito:





























