Top 15 contestants ng 'The Clash 2023,' kilalanin!

Kumpleto na ang top 15 contestants ng inaabangang musical competition tuwing Linggo, ang 'The Clash 2023.'
Sa pagpapatuloy ng kompetisyon, nagsimula na rin ang 'Round 2: Laban Kung Laban' ng binansagang pinakamatinding bakbakan sa kantahan kung saan sinalubong ang 15 kalahok ng isang matinding twist.
Unang pasabog pa lamang iyan sa 'The Clash 2023' na talaga namang pinag-usapan ng mga manonood at asahan na marami pang exciting twists and intriguing turns ang naghihintay sa mga natitirang Clashers.
Pero bago iyan, kilalanin muna sa gallery na ito ang top 15 na nakatawid sa second round ng 'The Clash 2023' at alamin kung ano ang qualities na nagustuhan sa kanila ng 'The Clash' judges na binubuo nina Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Asia's Nightingale Lani Misalucha.














