Rex Baculfo, hindi inakalang mananalo sa 'The Clash 2023'

GMA Logo rex baculfo
Image Source: Rex Baculfo (Facebook)

Photo Inside Page


Photos

rex baculfo



Hindi pa rin makapaniwala ang bagong kampeon ng The Clash na si Rex Baculfo na siya ang nagwagi sa kompetisyon.

Kagabi, May 28, itinanghal siyang grand winner ng The Clash 2023, ang ikalimang season ng GMA talent show, matapos silang maglaban ni Arabelle Dela Cruz sa final one-on-one clash.

Parehong nagpakita ng kahusayan ang dalawang magkatunggali pero nagkaalaman nang inawit nila ang "Oras Ko 'To," isang original piece na sinulat ng The Clash judge na si Christian Bautista, na bagay sa timbre ng boses ng simpatikong bokalista.

Sa Facebook post ni Rex, abot-abot ang kanyang pasasalamat matapos niyang masungkit ang titulo.

"This is all for God's glory! To God be the glory! THANK YOU LORD!!!

"A dream come true! A dream that I never thought would happen!!," panimula ni Rex.

Isang malaking blessing para kay Rex ang kanyang pagkapanalo. Bukod sa cash prize at house and lot, nanalo rin siya ng management contract with GMA kaya mas maraming oportunidad para sa kanya na makapag-perform at makapag-entertainment ng audience.

"Ang lagi ko lang po sinasabi sa sarili ko dati ok lang yan rex, basta meron kang napapasayang tao sa bawat performance mo sobrang blessing na yun sayo! Pero LORD you gave me this! And I promise to always do this for YOU! For your glory!!" dugtong ni Rex.

Tumigil na si Rex sa pagkanta noon pero bumalik pa rin siya sa kanyang first love. At ngayon, may malaking bonus pang kasama dahil kikilalanin na siya bilang pinakabagong mang-aawit ng GMA.

Kilalanin pa ang bagong The Clash grand champion:


Rex Baculfo
Family
Childhood
Love for singing
Singing contests
Australia
Livestreaming
Song covers
Looks
Balladeer

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit