What's on TV

POLL: Sino ang gusto n'yong maging host ng 'The Clash' season 2?

By Jansen Ramos
Published May 31, 2019 2:03 PM PHT
Updated May 31, 2019 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Kanya-kanyang pili na ang fans sa kung sino ang gusto nilang maging host ng all-original Filipino singing competition na The Clash sa pagbabalik nito sa telebisyon.

Excited na ang fans sa muling pagbabalik ng all-original Filipino singing competition na The Clash sa telebisyon.

The Clash
The Clash

Sa katunayan, isang fan-made YouTube channel na GMA Singers ang naglunsad ng isang poll sa kanilang community page kung saan maaaring mamili ang netizens ng gusto nilang maging host ng programa para sa ikalawang season nito.

Kabilang sa pagpipilian ang multi-awarded Kapuso singers na sina Aicelle Santos, Julie Anne San Jose, Rachelle Ann Go, at ang La Nueva Diva na si Kyline Alcantara.

Sa loob ng 24 oras, nakalikom na ito ng mahigit 4,300 votes.

Base sa comments section, nangunguna sa survey ang Asia's Pop Sweetheart na si Julie Anne.

Ani pa ng netizens, mas bagay raw na maging hurado ang mga Pinoy Pride na sina Aicelle at Rachelle Ann.

May ilan din ang nagpahayag ng kanilang choice para sa susunod na host ng The Clash.

Kabilang riyan sina Mark Bautista, Maine Mendoza, Jennylyn Mercado, Rita Daniela, Gabbi Garcia, Rayver Cruz, Christian Bautista, at Lani Misalucha.

Para makaboto, bisitahin ang page:

"Curious lang beshies. Sino ang gusto niyong maging host ng The Clash season 2?"

WATCH: Aicelle Santos's powerful showdown with 'The Clash' graduates

WATCH: 'The Clash,' to hold auditions in General Santos, Davao, Bacolod, and Iligan