
Nostalgic ang pakiramdam ni Rita Daniela matapos malamang sila ng kanyang love team na si Ken Chan ang magiging journey hosts ng all-original Filipino singing competition na The Clash.
Ken Chan at Rita Daniela, bagong journey hosts ng 'The Clash'
Matatandaang nagwagi ang 24-year-old singer/actress sa Popstar Kids noong 2005, kung saan finalist naman ang kanyang The Clash co-host na si Julie Anne San Jose.
Julie Anne San Jose, dream come true ang pagho-host ng 'The Clash'
Bahagi ni Rita sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, "Sobrang humbling experience 'yung pagiging journey host ng The Clash kasi ang layo na ng narating namin.
"Dati kami 'yung nandoon, lumalaban kami, kami 'yung dyina-judge.
"Ngayon, kami na 'yung [nagho-host.]"
Dahil sa kanyang karanasan, napatunayan ni Rita na hindi lang talento ang puhunan para makilala sa larangan ng pagkanta dahil, aniya, importante rin ang disiplina.
"Hindi lang siya sa galing, sa ugali rin," payo niya sa The Clash Top 64 contestants.
"Hindi sapat 'yung magaling ka lang, dapat maging mabait ka rin."