What's on TV

Visually-impaired na si Carl Montecido, alay ang talento sa Panginoon

By Jansen Ramos
Published September 24, 2019 5:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Sa pilot episode ng The Clash na ipinalabas noong September 21, humanga ang 'The Clash' panel sa malahiganteng boses ni Carl Montecido matapos awitin ang "Kahit Isang Saglit," na pinasikat ni Martin Nievera.

Maaga mang natapos ang kanyang The Clash journey, masuwerte na raw ang 20-year-old na si Carl Montecido, tubong Bacolod, dahil naibahagi niya ang kanyang talento sa buong mundo.

Sa pilot episode ng The Clash na ipinalabas noong September 21, humanga ang panel sa kanyang malahiganteng boses matapos awitin ang "Kahit Isang Saglit," na pinasikat ni Martin Nievera.

Aminado si Carl na nagkaroon siya ng pag-aalinlangan sa kanyang talento noon dahil sa kanyang kapansanan.

Bahagi niya, "Ipinanganak po ako na visually-impaired. Habang lumalaki po ako, may buts and ifs ako na paano ko maipagpapatuloy 'yung pangarap ko kung naging ganito 'yung paningin ko?"

Maraming dagok ang dumating sa buhay ni Carl pero nagbago ang kanyang pananaw noong nakilala niya ang Panginoon.

Sabi niya, "Siguro 'yung maibibigay ko sa kompetisyon is iaalay ko lang 'yung talento ko sa Panginoon."

Ang kanyang katunggali na si Marlon Ejeda ang itinanghal na Top of the Clash.