
Intense na agad ang labanan sa pagsisimula ng Round 2 ng The Clash.
Sa episode ng singing competition nitong weekend, October 19 at October 20, pito ang pinalad na makapasok sa Top 16.
Ito ay sina Myrus Apacible, Jessel Lambino, Antonette Tismo, Jeremiah Tiangco, Marlon Ejeda, Tombi Romulo, at Janina Gonzales.
Walo dapat ang bilang ng Clashers na tutungtong sa next round.
Sa kasamaang palad, walang napili ang The Clash panel sa huling pares na naglaban, na sina Nicole Apolinar at Mark Mendoza, dahil hindi nagustuhan ng judges ang kanilang performance.
Dahil dito, inanunsyo ni judge Christian Bautista na magkakaroon ng wildcard round ang The Clash na mapapanood sa Sabado, October 26.