GMA Logo Jeniffer Maravilla of The Clash
What's on TV

Jeniffer Maravilla: "Humihinga pa tayo"

By Jansen Ramos
Published November 25, 2019 7:38 PM PHT
Updated December 23, 2019 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Jeniffer Maravilla of The Clash


'The Clash' hopeful Jeniffer Maravilla on failed whistle attempt: "My performance tonight wasn't perfect kahit sa kabila ng paghahandang ginawa ko, iba ang nangyari."

Ibinahagi ng The Clash hopeful na si Jeniffer Maravilla sa Facebook ang kanyang mga saloobin matapos ang kanyang failed whistle attempt sa kanyang performance noong Sabado, November 23, sa singing competition.

"Pasensiya na po sa lahat nang pinag-alala ko tonight and maraming salamat po sa lahat for being so kind. Return to you a thousandfold po ang kabutihan," bungad ng binansagang Birit Beauty ng Malabon.

Ipinaliwanag ni Jeniffer na lubos siyang naghanda para sa kanyang performance noong Sabado, kung saan ginawan niya ng sariling arrangement ang hiphop song na "Hayaan Mo Sila." Gayunpaman, hindi niya na-kontrol ang pangyayari.

Saad ng 26-year-old The Clash contestant, "'Yung performance ko po ngayong gabi, it's a risk po that I chose to take. Pinaghandaan ko po siya, simula po sa arrangement ng song and pati po 'yung boses ko, but things happen.

"Sa bawat performance ko po I only wish to give my best, not only because this is a competition, but because gusto ko po sulitin lahat ng pagkakataon na ipinagkaloob po sa 'kin na makapag-perform on that stage."

Aminado si Jeniffer na hindi perfect ang kanyang pagkanta kaya humihingi siya ng dispensa kung mayroong na-disappoint sa kanyang performance.

Paliwanag niya, "My performance tonight wasn't perfect kahit sa kabila ng paghahandang ginawa ko, iba ang nangyari. Hehe. Pasensiya na po kayo sa akin!"

Sa kabila ng sinapit, sinabi ni Jeniffer na hindi siya pinanghinaan ng loob. Bagkus, marami raw siyang natutunan sa kanyang pagsali sa The Clash.

Paglilinaw niya, "Sa lahat lahat po na nag-message and nag-check sa akin and patuloy na sumusuporta, mabuti po ako, masaya po ako! How can you regret a thing, when it made you better.

"My journey here sa THE CLASH has taught me a lot! Sobrang nagpapasalamat po ako na binibigyan po nila kami ng pagkakataon and ng kalayaan na ipakita sa inyo ang totoong kami.

"Salamat sa pagkakataon at kalayaan na magkamali at matuto, upang muling makatayo at maging better. I am grateful because I am now a woman who is WISER and FEARLESS."

Biro pa ni Jeniffer, "Humihinga pa tayo guys! Haha! On to the next round. God bless us all po. Peace and prosperity."

Samantala, nakakuha ng simpatiya si Jeniffer mula sa netizens at maging sa kanyang mga dating co-Clasher na sina Valerie West, Armando Cruz, at Shanen Garciso.

WATCH: Jeniffer Maravilla's rehearsal of "Hayaan Mo Sila"