GMA Logo Golden Cañedo
What's on TV

Golden Cañedo, may mensahe sa mga sasali sa online auditions ng 'The Clash'

By Aedrianne Acar
Published April 28, 2020 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Golden Cañedo


Golden Cañedo on 'The Clash' auditionees: "Magpatuloy lang sila sa dreams nila."

Mga Kapuso, you are one step closer sa pangarap n'yo na maging next singing sensation.

Binuksan na ng reality TV singing competition na The Clash ang kanilang online auditions noong April 4, 2020 at magtatapos sa June 28, 2020.

Kaya naman may mensahe ang The Clash first season grand winner na si Golden Cañedo sa mga sasabak para tuparin ang kanilang mga pangarap.

A post shared by Golden (@thegoldencanedo) on

Sa panayam ni Golden sa GMANetwork.com kamakailan, pinaalala ng Kapuso singer na hindi sila dapat mawalan ng pag-asa ano man mangyari sa pagsabak nila sa competition.

Wika niya, "Ang gusto ko lang sabihan sa kanila na sa kahit ano man ang nangyayari dito sa mundo natin, sa pamilya natin, sa madaming masasakit na nangyayari sa atin, magpatuloy lang sila sa dreams nila.

"Huwag mawalan ng pag-asa and patuloy pa rin ipakita 'yung talento ng binigay ng Diyos sa kanila."

IN PHOTOS: Golden Cañedo's inspiring transformation

Ngayong pansamantalang tigil muna sa taping si Golden dahil sa umiiral na enhanced community quarantine, patuloy pa rin ang promising performer sa paghahasa ng kanyang talent.

"'Yung family po namin nag-e-exercise po kami dito. And ako po na nandito lang ako sa bahay, nagkakanta-kanta po ako, [gumagawa] ng cover ng mga song.

"Tapos inu-upload ko po sa social media para po kahit papaano, kahit hindi po nila ako nakikita sa TV at least sa social media makita po nila ako and ma-share din po ng talent ko."

Kapuso Showbiz News: Is Christian Bautista willing to modify judgment in 'The Clash' to sound nicer?