
Maraming pagbabago sa new season ng The Clash at isa riyan ang sistema ng produksyon off-cam.
Dahil sa banta ng COVID-19, kinailangan ng mga staff at buong crew ng GMA singing compeititon na sumunod sa safety prevention protocols para sa 'new normal' taping.
Sa Facebook post ng The Clash ngayong araw, September 22, makikita ang mga larawang kuha mula sa final call back screening noong September 16.
Base sa post, balot ang katawan ng mga cameraman ng PPE o personal protective equipment habang naka-face mask at face shield.
Isa rin sa mga pag-iingat na ginagawa ng staff ng programa ay ang pagdi-disinfect ng mga mikroponong ginagamit ng mga contestant.
Indeed, nothing can stop the biggest singing battle of the year! Handang-handa na ang buong cast at crew ng #TheClash...
Posted by The Clash on Monday, September 21, 2020
Samantala, naghahanda na rin ang cast ng The Clash para sa una nilang taping.
Sa Instagram post ng journey host na si Ken Chan, sinabi niyang na-miss niyang magbalk-studio matapos ang ilang buwan.
Ang pelikulang My First and Always, kung saan katambal niya ang kanyang The Clash co-journey host na si Rita Daniela, ang unang proyekto ni Ken simula noong nagsimula ang lockdown.
Photo from Ken Chan's Instagram account
Ika pa ng Kapuso actor, "It's good to be back."
Nakatakdang ipalabas ang third season ng The Clash sa Oktubre.