GMA Logo The Clash
What's on TV

'The Clash,' handa na para sa kanilang 'new normal' comeback sa telebisyon

By Jansen Ramos
Published September 23, 2020 1:50 PM PHT
Updated September 23, 2020 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd seeks private sector to help bridge digital gap faced by Pinoy learners
8 DWPH officials in Davao Occidental surrender over ghost project
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

The Clash


Ngayong tapos na ang online auditions para sa new season ng singing competition, pipili na ng top Clashers na maglalaban-laban. Ano kaya ang exciting twists na dapat abangan sa season three ng The Clash?

New exciting twists and intriguing turns ang handog ng all-original Filipino singing competition na The Clash sa pagbabalik nito sa telebisyon ngayong 'new normal.'

Ngayong wrapped up na ang online auditions para sa new season ng singing competition, pipili na ng top Clashers na maglalaban-laban.

Kabilang sa screening panel na kumilatis sa possible contestants ng kompetisyon ay sina UP College of Music Professor, UP Concert Chorus Directress, and The Clash voice coach, Janet "Jai" Sabas-Aracama at Musical Director Marc Lopez.

The Clash

Sa third season ng The Clash, kaabang-abang din ang pagbabalik ng Clash Masters na sina Asia's Pop Diva Julie Anne San Jose at Total Heartthrob Rayver Cruz na minahal ng mga manonood.

Sa gitna ng tensyon, legit naman ang hatid na good vibes ng The Clash Journey Hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Samantala, tuloy pa rin ang The Clash panel of judges na sina Comedy Queen Aiai Delas Alas, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Asia's Nightingale Lani Misalucha sa paghahanap sa real talent na deserving tanghaling susunod na The Clash grand champion.

Patikim pa lang 'yan kaya huwag palampasin ang season three ng The Clash, simula October 3 na sa GMA!