What's on TV

Sikat na impersonator ni Angel Locsin, pasok sa top 30 ng 'The Clash'

By Jansen Ramos
Published September 26, 2020 10:23 AM PHT
Updated October 1, 2020 10:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Allen Liwag cops back-to-back MVPs, Titing Manalili is top rookie of Season 101
VP Sara Duterte decries plunder, graft raps filing as 'fishing expedition', cover-up for corruption
Mall of Asia opens football park to boost the sport's popularity in PH

Article Inside Page


Showbiz News

Jennie Gabriel in The Clash


Siya na kaya ang susunod na tatanghaling 'The Clash' grand champion?

Mula sa daan-daang nag-audition, sinalang mabuti ng The Clash screening panel ang aspiring singers na tutungtong sa next round ng all-original Filipino singing competition.

Kaya naman Top 30 pa lang, kapansin-pansin na magiging mahigpit ang laban dahil ilan sa mga ito ay produkto ng iba't ibang singing competitions.

Isa riyan ang impersonator na si Jennie Gabriel, 33 years old from Makati.

Jennie Gabriel

Sa mga hindi nakakakilala kay Jennie, siya ang sikat na impersonator nina Angel Locsin at Rufa Mae Quinto.

Madalas na rin siyang napanood sa ilang TV shows dahil sa kanyang talent sa pagkanta at pagpapatawa.

Kuwento niya sa The Clash Cam, first time niyang sasali sa Kapuso singing competition kaya naman ikinatuwa niya ang pag-iingat na ginagawa ng management ng programa kontra COVID-19.

"Grabe 'yung mga preparation pala dito, 'no? From swab test, safety first talaga kaya thanks to GMA-7 po kasi they gave me a chance na talagang malaman kong negative ako, medyo nakakakaba pala," aniya.

Ayon pa kay Jennie, hindi naging madali ang kanyang audition para sa The Clash ngunit kinaya rin niya alang-alang sa kanyang pangarap.

"Medyo mahirap s'ya pero para sa pangarap mo, walang magiging mahirap so andito ka para sa pangarap kaya lahat gagawin mo para sa mga mahal mo sa buhay, para matupad mo 'yung mga pangarap mo," sabi pa niya.

Sa kanyang Facebook page, ipinarinig ni Jennie ang kanyang tinig kung saan inawit niya ang "Ikaw At Ako" nina Moira Dela Torre at Jason Marvin.


Abangan ang journey ni Jennie sa The Clash tuwing Sabado, simula October 3, 7:15 p.m. at tuwing Linggo, 7:45 p.m. sa GMA.

Kung hindi n'yo man ito mapanood on TV, may livestreaming ang The Clash sa Facebook page at YouTube channel ng programa.